Dead on the spot ang isang lalaki matapos paghahatawin ng matigas na bagay sa ulo ng sariling pamangkin Bacoor City, Cavite.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Nazario Bueno, sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang pamangkin na si alyas “Rolly” na lasing.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang umanong dumampot ng matigas na bagay at dito pinaghahataw ang ulo ng biktima.
Paulit-ulit umanong pinaghahataw ng suspek ang ulo ng tiyuhin at nang mapagod ay saka lamang tumigil.
Pinalalagay namang dahil sa sobrang kalasingan ng suspek ay inakalang aso na nakapasok sa kanilang bahay ang tiyuhin na natutulog kung kaya nito pinaghahataw.
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima habang hawak ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon