Kulong sa presinto ang isang aluminum installer matapos makuhanan ng baril at shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Caloocan City Police Office.
Kinilala ang suspek na si Gilberto Meralina alyas “Boy,” 51 taong gulang na residente ng 212 Acco Homes, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Sa operasyon ng mga otoridad, isang nagpanggap na pulis ang bumili ng halagang P7,500 na iligal na droga sa suspek dahilan para agad itong mahuli ng mga pulis.
Narekober sa suspek ang sampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68, 000 at isang 9mm pistol na kargado ng magazine na may apat na bala. —sa panulat ni Angelica Doctolero