Patay ang isang lalaki sa Dalaguete, Cebu matapos tambangan at pagbabarilin ng tatlong suspek na nakaalitan sa inuman.
Kinilala ang biktimang si Maximo De Luna, 42-anyos habang ang mga suspek naman ay sina Joseph Cahayagan, Virgilio Diama at Gerry Infante.
Ayon sa Dalaguete Police, makiki-piyesta sana si De Luna sa kanyang mga kaibigan nang biglang harangin at pagbabarilin ng mga suspek.
Napag-alaman naman ng mga otoridad na nagkaroon ng alitan ang biktima at mga suspek sa isang inuman noong isang taon. —sa panulat ni Mara Valle