Natagpuang nakabigti ang isang lalaki sa Andalucia Underpass sa Sampaloc, Maynila nitong Huwebes.
Sa ulat ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, lasing umano ang biktima nang huling mamataan sa lugar. Kinilala ang biktima na si Roberto Divinagracia, 26-anyos.
Naabutan pa ng mga otoridad na naghihingalo ang biktima kaya agad nilang kinalagan at isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit idineklarang wala nang buhay nang makarating sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng MPD upang makumpirma kung may foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima. —sa panulat ni Mara Valle