Viral ngayon sa social media ang isang lalaki matapos madiskubreng halos 20 taon na siyang nagbabayad ng electric bill ng kapitbahay.
Paano nga ba ito nangyari?
Tara, alamin natin yan!
Napansin kamakailan ni Ken Wilson, taga-Vacaville, California, na mas mataas ang bill ng kanyang kuryente kaysa sa normal.
Kaya’t bumili si Wilson ng submeter upang masubaybayan kung gaano karaming watts ang kinukunsumo ng kanyang mga appliance dahil pakiramdam niya ay may naka-jumper sa kanyang meter.
Bago magreklamo sa electric company, nag-inspeksiyon si Wilson sa pamamagitan ng pansamantalang pagpatay sa kuryente ng kanyang apartment. Matapos patayin ang lahat ng breaker, pinuntahan niya ang lugar sa kanilang apartment complex kung nasaan ang mga kuntador nang tiningnan niya ang kuntador na naka-assign sa kanyang unit, nakita niya na gumagalaw pa rin ito.
Dahil dito, nagpasya siyang tawagan ang Pacific Gas and Electric (PG&E) para ipa-check ang kanyang metro.
Sa imbestigasyon, ipinaalam sa kanya ng isang manggagawa mula sa kumpanya na ang kanyang apartment, unit 90, ay naka link sa maling metro at siya ay nagbabayad ng utility bill para sa unit 91 sa loob ng 20 taon.
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang PG&E sa pagkakamali at nangako sila na ire-refund nila ang lahat ng mga sumobrang ibinayad nito.
Sa isang update, sinabi ng spokesperson ng PG&E na naayos na ang metro ni Wilson at binigyan siya ng credit na higit sa $600 ng kumpanya.