Dahil sa balita tungkol sa pag-aresto kay pastor Apollo Quiboloy, isang lalaki sa bayan ng Consolacion, Cebu ang nagmamadaling itinapon ang isang nakasinding egg tray sa kanilang barangay.
Hindi inaasahan ni Dondon Furog na mauuwi sa kapahamakan ang kanyang kasabikan na pagkaka-aresto ni Quiboloy sa telebisyon dahil nagresulta sa malaking sunog ang nakasinding egg tray sa Barangay Tayud.
Sa salaysay ni Furog sa pulisya, nagsindi siya ng egg tray bilang alternatibo para sa katol.
Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon ng kaguluhan sa kapitbahay nang makitang nasusunog ang bahay ni Furog.
Dahil sa insedente, 13 bahay ang natupok ng apoy at nasa 250,000 pesos ang halaga ng pinsala sa ari-arian.
Sa kabila nito, walang nasaktan sa insidente.