Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Pola, Oriental Mindoro.
Kinilala ng Pola Municipal Police ang biktimang si Jomedes Pais.
Nakikipag-inuman si pais kay Cesar Logatic nang dumating ang suspek na si Marino Panganiban72-anyos.
Dalawang beses pinaputukan ni Panganiban ang biktima at bagaman suwerteng hindi tinamaan si Logatic, pinagbantaan naman ito ng suspek.
Agad nadakip si Panganiban sa bahay nito at narekober ang caliber 45 na baril na ginamit sa krimen at ilang mga bala.
Batay sa imbestigasyon, love triangle ang motibo sa pamamaslang. —sa panulat ni Mara Valle