Patay ang biktimang kinilalang si Victorino Mulleda, 53-anyos matapos makuryente sa barangay Pamukid, San Fernando, Camarines Sur.
Base sa imbestigasyon ng Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na umalis ng gabi ang biktima sa kanilang bahay kasama ang anak nito para mangisda kung saan, naging magkaiba ang kanilang direksiyon.
Nang makauwi ang anak ng biktima ay dito na natagpuang nakahandusay ang kaniyang ama sa isang palayan kung saan, nakasukbit pa sa likod nito ang de-kuryente na panghuli ng isda.
Tumanggi namang magpaliwanag ang pamilya ng biktima habang patiloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero