Patay matapos malunod ang isang lalaki sa isang beach resort sa Barangay Bucana na sakop ng Ternate, Cavite.
Kinilala ng Ternate Municipal Police Station ang biktima na si Daniel Francisco na lumalangoy umano sa dagat pero ilang sandali pa ay natagpuan na lamang ang katawan nito na lumulutang.
Naisugod pa sa Cavite Municipal Hospital ang biktima sa Maragondon, Cavite pero idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.