Patay sa kamay ng mga pulis-Maynila ang isang lalakeng nang-hostage ng isang babae sa loob ng isang bus sa bahagi ng Taft Avenue southbound.
Ayon kay Vice Mayor Isko Moreno, patalim ang ginamit ng suspek na pang-hostage sa dalagitang estudyante ng Technical University of the Philippines sa bus ng HM Transport Incorporated na biyaheng pa-Alabang.
Ipinabatid ni Moreno na nasa ligtas nang kalagayan ang estudyante habang dead on the spot naman ang hostage taker matapos ang 30 minutong pagresponde ng mga tauhan ng MPD Station Five.
AUDIO: Manila Vice Mayor Isko Moreno
Samantala, nilinaw ni Moreno na nakipagnegosasyon pa ang mga pulis bago tuluyang binaril ang hostage taker.
AUDIO: Manila Vice Mayor Isko Moreno
By Ralph Obina | Bert Mozo (Patrol 3)
*Photo grabbed from: inquirer.net