Patay ang isang lalake na nagpapa-refill ng tubig matapos pagbabarilin sa Ermita, Maynila.
Batay sa nakunan ng CCTV sa Barangay 667 bandang alas-3:30 ng hapon, makikitang nakatayo sa harap ng water refilling station malapit sa kanto ng Guerrero Street ang 36 anyos na biktima na hindi pinangalanan.
Maya-maya ay may tumigil na motorsiklong may magka-angkas, bumaba ang dalawa at naghintay na makatyempo sa biktima.
Nang magkaroon na ng pagkakataon ay nilapitan na ng rider ang biktima at binaril sa ulo mula sa likod bago tumakas kasama ang kaangkas.
Iniimbestigahan pa ng homicide section ng Manila Police District ang motibo sa pamamaril.