Patay ang lalaking nagtangka umanong looban ang bahay ng executive assistant ni incoming President Rodrigo Duterte na si Christopher Bong Go kaninang madaling araw.
Ayon sa mga awtoridad, naaktuhan nila habang nagpapatrolya ang tangkang panloloob ng nasabing suspek na hindi pa pinangalanan.
Sinasabing nakipagbarilan pa ang suspek sa mga pulis hanggang sa mapatay ito ng mga awtoridad.
By Judith Larino