(Updated)
Binawian na ng buhay ang lalaking una nang napaulat na tumalon mula sa ika-apat na palapag sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kagabi.
Ito kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa DWIZ.
Kinilala ang lalaki na si Shau Chang Yee, isang Chinese American at 69-taong gulang.
Ayon sa ulat, nadala pa sa ospital ang biktima ngunit malubha ang naging tama nito sa ulo mula sa pagkakahulog na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng airport authorities at inaalam kung tumalon o aksidenteng nahulog ang biktima.
Kinukuha na ang CCTV sa lugar upang malinawan ang insidente.
MIAA, kinumpirmang binawian na ng buhay ang Chinese American na si Shau Chang Yee na una nang napaulat na tumalon mula sa ika-apat na palapag sa NAIA 3 matapos na hindi na ma-revive sa ospital. | Report and Photo via @raoulesperas pic.twitter.com/s0aG8YFmOF
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 1, 2019
(Ulat ni Raoul Esperas)