Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga opisyal ng airport sa India matapos ang pagkamatay ng isang technician na umano’y hinigop ng aircraft engine sa isang airport sa Mumbai.
Ayon kay Air India Chief Ashwani Lohani, nangyari ang aksidente matapos ang paglipat sa eroplano mula sa airport gate.
Hindi umano naunawaan ng piloto ang signal na ibinigay sa kaniya kaya binuksan nito ang engine ng eroplano na agad kumitil sa lalaki.
Nabatid na puno ng pasahero ang eroplano para sa kanilang flight mula sa Mumbai patungo sa southeastern city ng Hyderabad.
By Mariboy Ysibido
Photograph: Daniel Berehulak/Getty Images