Patay ang isang lalaki sa Perth, Australia matapos na atakihin ng alaga nitong kangaroo.
Ayon sa mga ototridad, natagpuan ng isang kamag-anak ang 77 anyos na biktima na sugatan at wala nang buhay.
Nabatid na inalagaan ng biktima ang ligaw na kangaroo at ginawa itong alagang hayop sa kabila ng mga legal na paghihigpit sa pagpapanatili ng mga alagang hayop ng Australian Native Fauna.
Samantala, ito ang unang naitalang pagkamatay bunsod ng pag-atake ng isang kangaroo sa Australia mula noong 1936.