Patay ang isang lalaki sa landslide sa loob ng isang resort sa Batangas.
Iyan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Jolina nitong Miyerkoles.
Ayon sa pamunuan ng resort, nasa lunch break at nagpapahinga ang biktima kasama ang mga katrabaho nito sa kanilang barracks ng matabunan ng bahagi ng lupa mula sa slope ang pansamantalang tinutuluyan ng mga ito.
Nakatakbo naman ang iba nitong kasamahan at kasalukuyan pang kinikilala ang biktima.
Nangyari ang insidente sa ginagawang bahagi ng resort ayon sa pamunuan nito.—sa panulat ni Rex Espiritu