Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng kapitbahay sa Minglanilla, Cebu dahil sa pagpapahinto ng suspek sa isang karaoke session.
Kinilala ng pulisya ang bitkima na si Rolan Peñas, 32-anyos habang pinangalanan naman ang suspek na si Ritchie Reyes, 26-anyos.
Ayon sa imbestigasyon, kapwa nagdiriwang ng fiesta ng kanilang barangay sina Peñas at Reyes kung saan may karaoke sa bahay ng bitkima.
Ngunit bigla na lamang inihinto umano ni Reyes ang karaoke session ng biktima dahilan para magkaroon ng alitan ang dalawa na nagresulta sa pagbaril ni reyes kay Peñas na agad na ikinasawi nito
Kaagad namang naaresto ang suspek na nahahrap sa kaukulang kaso.