Patay ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng manager ng isang computer repair shop sa loob ng SM North Edsa, Quezon City kahapon.
Lalaki, patay matapos saksakin ng store manager ng isang computer service center sa SM North Edsa Annex @dwiz882 : Facebook pic.twitter.com/P45eYGkRHi
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 5, 2018
Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Station 2, bandang alas-5:40 ng hapon kahapon nang magpunta sa repair shop ang biktimang si Geroldo Ramon Lopez para kunin ang kanyang ipinagawang laptop.
Nagkainitan ang dalawa matapos na tumanggi ang manager na si Leo Laab na ibigay ang laptop ng biktima dahil hindi nito dala ang resibo.
Sandaling umalis ang biktima ngunit nang bumalik siya ay muli itong nakipagtalo sa suspek at dito na nga kumuha ng patalim si Laab at inundayan ng saksak ang biktima.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima habang mabilis namang nakatakas ang suspek.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.
—-