Patay ang isang lalaki sa sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Sampaloc, Maynila.
Alas-6:06 ng umaga nang simuklab ang apoy sa Domingo Santiago St. na umabot ng unang alarma.
Ipinabatid ni Capt. Guillermo Firmalino ng Manila Fire District na idineklarang fire out ang sunog makalipas ang 30-minuto.
Matapos maapula ang sunog ay nakita ang labi ng 34-anyos na si Denmark Jose.
Sinabi ng kapatid ng biktma na ang kanilang kalan ang pinagmulan ng sunog.
Iniimbestigashan na ng mga otoridad ang nasabing insidente kung saan nasa P10,000 ang napinsalang ari-arian. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)