Arestado sa isang entrapment operation ang isang lalaki matapong tangkang mangikil sa kaniyang dating partner ng P1-milyon sa pamamagitan ng pekeng sex video.
Ayon sa mga otoridad, kinilala ang suspek na si Jerson Pantaleon Sacopon na naaresto sa Taguig City.
Nagtungo sa pulisya ang biktima dahil sa pagbabanta ng suspek na ikakalat ang video kung hindi ito magbabayad na malaking halaga.
Depensa naman ni Sacopon sa nangyari, biktima rin siya ng kahalintulad na gawain kapalit ng pera.
Narekober naman ang sim card na ginamit sa pagbabanta at dito na natuklasang peke ito.
Inihahanda na ng PNP ang isasampang kaso laban sa suspek.—sa panulat ni Abby Malanday