Patay ang isang lalaki matapos pugutan ng kaniyang pinsan sa San Fernando City, La Union.
Kinilala ang biktimang si Bienvenido Bautista Jr., 64- anyos at suspek na si Eduardo Marzo, 63- anyos, kapwa residente ng Barangay Pagdalagan Norte.
Ayon sa San Fernando City Police, nagluluto sa bahay si Bautista nang biglang dumating si Marzo na armado ng jungle bolo at walang pasintabing pinagtataga ang pinsan at pinugutan ng ulo.
Kakalabas pa lamang ni Marzo ng kulungan dahil din sa kasong pagpatay sampung taon na ang nakalilipas.
Paghihiganti ang nakikitang motibo ng suspek sa karumal-dumal na pagpatay habang balik-kulungan si Marzo at posibleng maharap sa panibagong kasong Murder. —sa panulat ni Mara Valle