Nauwi sa trahedya ang pagtakas ng isa sa dalawang kawatan na nagtangkang magnakaw sa isang village sa Baguio City.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na pumasok ang dalawang kawatan na edad 16 at 10 sa compound ng Imelda Village at sinubukang nakawin ang bisikleta ngunit nakita sila ng isang construction worker.
At dahil sa gulat, tumalon ang dalawa sa malapit na sapa.
Nagawa ng nakababatang lalaki na lumangoy para iligtas ang sarili, ngunit hindi nakaligtas ang nakatatandang lalaki at binawian ng buhay.
Nakatakda umanong mag-usap ang dalawang panig, ayon sa mga awtoridad.