Isang 60-anyos na lalaki sa Germany ang nagpabakuna ng 90 beses laban sa COVID-19.
Ayon sa mga otoridad, nahuli ang suspek sa isang Vaccination Center sa Eilenburg na ibinenta ang mga pekeng vaccination card na may tunay na batch number ng bakuna sa mga taong ayaw magpabakuna.
Nakumpiska ng mga pulis ang ilang blangkong vaccination card mula sa suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang nag hihintay sa pagsisimula ng paglilitis.
Samantala, hindi naman malinaw kung ano ang epekto sa kalusugan ng suspek ang nasabing 90 shots ng COVID-19, na mula sa iba’t ibang brand. —sa panulat ni Mara Valle