Sinong hindi kakabahan kung bigla na lang may dumating na masamang loob sa bangko? Bukod sa takot para sa sarili mong buhay ay matatakot ka rin na baka mawala ang pinaghirapan mong pera.
Pero hindi kaya aatras ang takot mo kung malaman mo na water gun pala ang armas ng masamang loob na iyon katulad ng isang korean man na nanloob ng isang bangko?
Kung magkano ang nasabat ng lalaki, eto.
Sa isang CCTV footage na nakuhanan sa isang bangko sa Gijang Busan, South Korea, makikita ang pagpasok ng isang lalaki na mayroon pang dalang attache case.
Kung titignan ay iisipin mo na mayroon itong dalang malaking halaga ng pera na kaniyang idedeposit.
Pero matapos ilapag sa sahig ang dalang bag ay sandali itong nagpalakad-lakad bago nagdeklara ng holdap.
Itinutok ng lalaki ang kaniyang baril na nakabalot sa isang itim na plastik sa mga customer at empleyado na siya namang sumindak sa mga ito.
Gusto pa raw sanang pasukin ng suspek ang opisina ng branch manager pero sa kabutihang palad ay naka lock ito, kung kaya naman inutusan niya na lang ang isang empleyado na ilagay sa kaniyang bag ang pera.
Ngunit nang paluhurin ng suspek ang mga tao sa loob ng bangko ay ang kaniya namang pagbagsak matapos siyang dambain ng isang lalaki hanggang sa matumba ito sa sahig.
Kinuha na yon ng mga empleyado bilang oportunidad at tulong-tulong na dinaganan ang suspek hanggang sa dumating na ang saklolo.
Nang inspeksyunin naman ng mga pulis ang dalang weapon ng lalaki ay napag-alaman na isa lang pala itong water gun na hugis dinosaur.
Hawak naman na ng mga pulis ang lalaki at naghanda ng certificate upang bigyang parangal ang matapang na lalaki sa bangko.
Kung magkano naman ang hiningi ng lalaki sa kaniyang failed roberry attempt? 50,000 Korean Won lang naman o mahigit 2,000 Pesos.
Samantala, hindi na idinetalye ng mga pulis kung bakit nagawa ng suspek na manloob ng bangko.
Ikaw, anong masasabi mo sa kwento na ito? Aatras din ba ang kaba mo?