Nabaril ang isang 54-anyos na magsasaka na si Danny Brazona sa Calatrava, Negros Occidental, sa harap ng kanyang live-in partner at 7-taong gulang na anak.
Sa ulat ng pulisya, kasama ng biktima ang kaniyang mag-ina papunta sa paaralan nang bigla silang harangin ng isang grupo ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki, at bigla na lang pinagbabaril si Brazona.
Bunga ng pamamaril, nagtamo ng maraming tama ng bala si Brazona, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Hindi naman nasugatan ang asawa at anak ng biktima sa pamamaril.
Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga responsable sa pamamaril at malaman ang posibleng motibo sa likod ng karumal-dumal na krimen.