Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Pasig City matapos na pagkakitaan ang libreng COVID-19 swab test ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang suspect bilang si Rv Tobago na 23 taong gulang at isang molecular encoder sa child’s hope hospital sa Pasig City.
Lumalabas na ibinibenta ng suspect ang naturang libreng swab tests sa mga hindi residente ng lungsod na aabot sa P900 hanggang P3,900.
Dahil dito, maaaring kaharapin ni Tobago ang kasong robbery and extorsion maging ang kasong paglabag sa Anti-Red Tape Act of 2007.
Samantala, nasa kustodiya na ng Pasig City Police si Tobago, habang pinaghahanap pa ng mga pulisya ang kasabwat nitong Aljohn Santos.