Isang lalaki ang patay matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktimang si Dennis Sison at dating nakatira sa Pilar Street, Manuguit.
Lumipat na umano ng tirahan si Sison simula nang ma-demolish ang kanilang bahay pero may pagkakataong bumabalik sa Pilar street kung saan siya nasundan at binaril ng naka-bonnet at facemask na salarin.
Ayon sa MPD, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa krimen dahil sangkot umano sa pagtutulak ng shabu ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng gunman.—sa panulat ni Drew Nacino