Patay ang isang construction worker makaraang saksakin ng katrabaho ng dahil umano sa selos sa Bayan ng Alfonso sa Cavite.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christopher Reyes, 35-anyos, habang naaresto ang suspek na si alyas “Biboy”, 32-anyos
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang tatlo pang katrabaho nang magkainitan ang dalawa.
Dahil sa kapwa lasing na, hindi na maawat ang dalawa sa kanilang away hanggang sa damputin ng suspek ang patalim at sinaksak nito ang biktima.
Patay na nang dumating ang biktima sa ospital habang nadakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek.
Selos ang lumalabas na motibo sa krimen gayunpaman, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen.