Nagawang sunugin ng isang lalaki sa Taguig City ang kaniyang sariling bahay matapos hiwalayan ng kaniyang misis sa Viscara Street, Purok 1, Barangay New Lower Bicutan.
Kinilala ang suspek na si Rayven Ison, 38-anyos na napag-alaman na lasing nang isagawa ang pagsunog gamit ang isang kutson at lighter.
Ayon sa mga otoridad, nadamay din ang ilang mga katabi nitong bahay kung saan, 11 pamilya o mahigit 48 indibidwal ang apektado.
Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian sa nabanggit na lugar habang kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang suspek na posibleng maharap sa kasong Arson.