Sinaksak ng isang lasing na lalaki ang sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Quezon, Cabugao, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Rowel Urian, 39 – anyos.
Ayon sa awtoridad, saglit na umuwi ang biktima na nagsisilbing chief watchman ng nasabing lugar nang bigla umanong nagwala ang ama.
Sinabi ng asawa ng suspek na si Bernarda Suetos, narinig niyang binalaan ng kanyang manugang ang biktima na huwag lumabas dahil may dalang bolo ang suspek.
Gayunpaman, hindi narinig ng biktima ang babala at hinataw ito ng suspek ng bolo sa kamay.
Agad namang isinugod sa ospital ang biktima at nagpapagaling na
Nakalaya na sa kustodiya ng pulisya ang suspek, at pinag-iisipan ng pamilya kung sasampahan ito ng kaso o hindi.