Napasakamay ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Taguig City, ang isang lalaking nagpakilalang abogado at nag-aalok ng libu-libong mga face shields.
Kinilala ang 47-taong-gulang na suspek bilang si Juan Antonio Evangelista matapos na ireklamo ng dalawa nitong nabikta na umorder ng higit sa 20,000 mga face shields na nagkakahalang P900,000.
Giinit ng suspek sa mga biktima nito, na konektado umano siya sa SkyPhil Corporation, at may nakaimbak aniyang libu-libong mga face shields sa isang bodega sa Paco sa Maynila.
Kasunod nito, nagpasya ang mga biktima na magbayad sa mga face shields, pero kinalauna’y wala namang natanggap na face shield mula sa suspek.
Dahil dito, agad na ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation kung kaya’t agad nilang nahuli si Evangelista na sangkot sa pang-i-scam.
Samantala, nahaharap ang suspek sa patong-patong na kasong kriminal dahil sa panloloko.