Timbog ang isang lalaking lumabag sa curfew na nahulihan pa ng illegal drugs sa Quezon City.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, ipinambili ng suspek na si Joven Llera ng shabu ang P1,000 ayuda na nakuha nito sa gobyerno.
Itinanggi naman ni Llera na galing sa ayuda ang ipinambili niya ng shabu.
Si llera ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.