Himalang nakaligtas ang isang lalaki matapos magtangka umanong magpakamatay sa Quezon City.
Tumalon mula sa ikatlong palapag ng SM Fairview sa Quirino Highway ang hindi pinangalanang lalaki at bumagsak sa mga kutson na naka-display sa ground floor.
Ayon sa National Capital Region Police Office, isa sa mga rumorondang security guard ang naka-saksi sa nasabing insidente.
Napansin ng ilang guwardya na tila wala sa sarili ang lalaki bago ito tumalon.
Walang kahit anong galos ang lalaki at nasa maayos nang kondisyon makaraang bumagsak sa apat na patong ng kutson.
Agad namang itinurn-over ang lalaki sa pamilya nito at posibleng isailalim sa psycho-social intervention.