Para mapigilan ang pag-atake ng sawa sa mga bata sa ilog isang lalaki sa Terra Santa sa Brazil ang kayang ibuwis ang kaniyang buhay nang sakmalin at puluputan siya ng isang malaking anaconda.
Makakawala pa kaya ang lalaki sa pagkakapulot sa kaniya ng anaconda?
Ayon sa mga nakasaksi sa lugar, tumalon sa ilog ang lalaki para mapigilan ang posibleng pag-atake ng sawa sa mga naglalarong kabataan.
Nagawa naman nitong ilayo ang sawa sa mga bata ngunit ng paahon na ito kasama ang sawa nang bigla na lang siya nitong inatake at kinagat sa braso hanggang sa mahigipit na siyang pinaluputan ng hayop.
Pero ilang segundo lang, lumuwag ang paglingkis nito sa kanya dahil nakipagsabayan rin pala ang lalaki sa pagkagat sa sawa.
Mabilis namang rumesponde ang mga kasama nito at inilayo ang sawa sa lalaki.
Sa mga ganitong insedente, nakakamangha ang pag-iisip ng tao para makaligtas sa mapanganib na sitwasyon.
Ayon sa mga scientist, ito ay stress response, na paraan ng katawan para protektahan ang sarili mula sa posibleng pinsala.
Ikaw, anong masasabi mo sa ginawang pagsagip sa sarili ng lalaki mula sa atake ng ahas?