Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang lalaking matagal nang tinutugis dahil sa kasong pagpatay.
Kinilala ni PNP-AKG Director P/Bgen. Jonnel Estomo ang naaresto na si Renato Esmeria na itinuturing ding most wanted person sa bayan ng Gubat, lalawigan ng Sorsogon.
Nadakip si Esmeria sa harap ng isang terminal ng bus sa Cubao, Quezon City nitong Huwebes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Gubat, Prieto-Diaz Regional Trial Court.
Nabatid na si Esmeria ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Bernio Estiller alyas Benong sa Sitio Bongsaran, Brgy. Rizal sa nabanggit na bayan nuong 2002.
Labing siyam (19) na taong nagtago ang suspek hanggang sa matunton ito ng mga awtoridad sa lugar kung saan siya naaresto na patungo sana sa bahagi ng Bulacan para duon magtago.
LOOK: Lalaking 19 na taong nagtatago sa batas dahil sa kasong murder, arestado ng PNP-AKG | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/4FyNIAnWOZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 5, 2021