Tila nakuyog sa kaniyang hearing ang lalaking nahaharap sa kasong murder matapos mag-eskandalo at sumugod sa gitna ng courtroom ang ilang mga kaanak ng biktima.
Kung ano ang buong kwento, eto.
Enero nitong nakaraang taon nang barilin si Alianna Farfan sa loob mismo ng kaniyang kwarto at ang hinihinalang salarin ay ang kaniyang nobyo na si Alexander Ortiz.
Ayon sa court records, binawian daw ng buhay si Farfan matapos barilin ng kaniyang nobyo at pagkatapos daw ng insidente sa kwarto ng biktima ay nakita si Ortiz na lumabas mula sa bintana nito.
Dahil dito ay sinampahan ng kasong 1st degree murder at inaresto noong February 2024 si Ortiz ngunit naghain ito ng not guilty plea noong marso.
Ngunit nito lamang Enero ay nagkaroon ng hearing si Ortiz sa Bernalillo County Courthouse kung saan makikita sa isang footage kung paano siya sinugod ng ilang kaanak ni Farfan.
Sa kalagitnaan ng hearing ay bigla na lang tinalon ng tiyuhin ng biktima na si Carlos Lucero ang isang barrier at sinugod ng suntok si Ortiz at nagtamo ng mga sugat pati ang mga umawat na pulis. Bukod sa kaniya ay mayroon pang isang babae at isang lalaki na nakisali sa tila kuyog na nangyari.
Gumamit naman ng taser gun ang pulis upang pigilan ang mga sangkot sa insidente kung saan naaresto si Lucero at ang dalawa pang mga indibidwal na sumunod sa kaniya.
Samantala, biglaan mang naaresto ay hindi raw pinagsisihan ni Lucero ang ginawa niya sa akusado.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ng mga kaanak ng biktima?