Kinumpirma ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na susunod sa kanyang yapak bilang pulis ang kanyang anak na lalaki.
Ayon kay Dela Rosa, papasok sa Police Academy ang kanyang anak pero kabado siya kung kakayanin nito ang training.
Hindi di naman anya ito tulad niya na laki sa hirap bago pumasok sa academy.
Sinabihan din ni Bato ang kanyang anak na kung mag-aalangan ay huwag nang tumuloy pero desido talaga itong pumasok sa PNPA kaya’t proud na proud siya sa kanyang anak bilang ama.
By: Drew Nacino