Laya na ang isang bihag ng Abu Sayyaf Group sa Jolo, Sulu.
Nakilala ang pinalayang bihag na si Rufo Roda na nailigtas nang pinagsanib na puwersa ng Joint Task Force Sulu, 101st brigade ng Philippine Army at Military Intelligence 26 at 9 sa downtown Jolo.
Ang biktima at asawa nito ay dinukot ng mga bandido noong August 31, 2018 sa Piakan, Sirawi, Zamboanga Del Norte.
Nabatid na nakipag negosasyon sa ASG ang isang alias ‘Al” at napagkasunduang magbayad ng 1.2 million pesos kapalit ng kalayaan ng mag asawa.
Matapos makapagbayad ng ransom, ang lalaking biktima lamang ang pinalaya at iniwan ang asawa nito.
Dinala na sa Zamboanga City ang pinalayang bihag para sa kaukulang debriefing.