Sino ba naman ang ayaw magbakasyon, lalo na sa isang malaki at magandang cruise ship at kasama pa ang kasintahan? Yan lang naman sana ang gusto ng isang teenager mula sa Michigan pero dahil hindi siya isinama sa pagbabakasyon sa barko, naisipan niyang magpakalat na lang ng fake bomb threat.
Ang mas malalim na dahilan ng binata para gawin ito, eto.
Kalalayag pa lang ng Carnival Sunrise Cruise ship mula sa Miami, Florida patungo sa Jamaica nang makatanggap ang Carnival Cruise lines ng email na nagsasabing mayroong bomba sa nabanggit na barko.
Dahil sa pangamba para sa mga pasahero ay agarang sinuyod ng U.S. at Jamaican Coast Guard ang mahigit isang libong kwarto sa barko.
Nagpatuloy sa paglalayag ang barko pero na-trace ng FBI kung sino ang nagpadala ng email at napag-alaman na nagmula ito sa 19-anyos na si Joshua Darrell Lowe.
Ayon sa mga otoridad, naninirahan si Joshua sa bahay ng kaniyang girlfriend kasama ang pamilya nito sa Muskgeon County.
Pero ang dahilan ng binata para magpakalat ng peke at nakakatarantang balit? ‘Yon ay dahil nagpunta raw pala ang kaniyang girlfriend at ang pamilya nito sa cruise ship at iniwanan siya sa bahay para bantayan ang mga alagang hayop ng mga ito.
Matapos ma-trace si Joshua, sinabi ng mga otoridad na umamin naman daw ito na siya nga ang nagsend ng fake bomb threat email at nagawa niya lang daw ‘yon para pigilan ang pamilya na mag-cruise nang hindi siya kasama.
Nagbigay naman ng paalala ang special agent in charge ng FBI sa Michigan na si Cheyvoryea Gibson na ang mga bomb threat ay hindi biro lalo na at sineseryoso ng fbi ang mga life threatening events, at sinuman ang magsasagawa ng ganitong stunt ay mahaharap sa karampatang parusa.
Samantala, pinatawan naman ang lalaki ng limang buwang pagkakakulong ngunit binabaan ito ng walang buwan matapos sumulat sa judge kung saan humingi ito ng tawag at nangako na aakuin niya ang responsibilidad sa ginawa niya.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng lalaki, papayag ka rin ba na hindi makasama sa bakasyon para magbantay?