Dahil sa pagkakalulong sa E-sabong, isa ang naitalang patay habang sugatan naman ang dalawa pa matapos tangkaing patayin ng isang lalaki ang pamilya ng kaniyang dating nobya.
Base sa impormasyong nakuha ng mga otoridad, tumangging makipagbalikan ng babaeng kinilalang si Ana Marie Baluno dahil lulong umano sa online sabong ang suspek na dating nobyo nito na si Florencio Martos Rios Jr. Alyas “Carlos.”
Dito na pinlanong patayin ni alyas Carlos ang pamilya ng dating kasintahan noong Marso 18 kung saan, kaniyang pinasok ang bahay ng pamilya Baluno sa West Fairview, Quezon City.
Ayon sa dating kasintahan ng suspek, pinagbabaril at pinatay ang 21-anyos na anak ni Ana Marie na si Raven.
Sunod na binaril ng suspek ang kapatid ni Ana Marie na si kinilalang si Lian na patuloy na nagpapagaling matapos tamaan ng mga bala sa braso at katawan.
Tinangka pang umakyat ng suspek sa ikalawang palapag na bahay para puntiryahin naman ang kaniyang nobya na si Ana Marie pero hinarang umano ito ng isa pang anak na si Bryan James na binaril naman ng apat na beses na ngayon ay nagpapagaling pa sa ospital.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad at naaresto si Rios na ngayon ay nasa kostudiya na ng Criminal Investigation and Detection Group ng Quezon City Police District. —sa panulat ni Angelica Doctolero