Ang 36-year-old Polish man na si Damian Wojnilowicz mula Newport, Wales ay ni-report sa panghihimasok sa bahay ng ibang tao. Pero kumpara sa ibang nanloloob ng bahay, kakaiba ang pakay niya.
July 16 nang pasukin ni Damian ang bahay ng isang babae sa Monmouthshire, Wales. Napansin daw ng babae na wala ng laman ang basurahan, refilled na ang bird feeders, at ang ilan sa mga paso ng halaman sa kanyang garden ay nausog.
Dahil sa takot ay naki-tira muna ang babae sa kanyang kaibigan. Aniya, napaisip pa siya kung alam ba ng nanloob na mag-isa lang siyang naninirahan sa kanyang bahay, kung kilala ba siya nito, o kung ito ba ay mauuwi sa isang stalking incident.
Sunod namang pinasok ni Damian ang isa pang bahay sa Newport noong July 29. Pero sa pagkakataon na ito, agad na nalaman ng may-ari ng bahay na mayroon silang unwanted visitor.
Dahil sa CCTV, nakita niya kung paanong uminom ng wine ang intruder, naglaba ng sariling damit, at naki-ligo pa!
Dumating naman ang son-in-law ng may-ari ng bahay upang paalisin si Damian. At pagkatapos noon ay na-aresto na siya.
Humingi ng tawad si Damian at sinabi naman ng kanyang lawyer na ‘homeless’ ito nang gawin ang panghihimasok. Humingi rin sila ng konsiderasyon bilang hindi naman daw nanakit si Damian ngunit sinetensyahan na ito ng 22 months na pagkakakulong dahil sa kasong burglary.
Ikaw, ano ang gagawin mo kapag ikaw ang nakaranas nito?