Kalaboso ang isang 53-anyos na lalaki sa isinagawang Entrapment/Rescue operation sa Bayan ng San Rafael sa Bulacan.
Ito ay matapos mahulihan ang suspek na kinilalang si Robert Benavidez ng tatlong Asong Pinoy (Aspin) na nakatakdang ibenta sa mga parokyano para gawing pulutan.
Ayon sa mga otoridad, ikinasa ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group ang operasyon kasama ang San Rafael Police at ilang tauhan ng Animal Kingdom Foundation Inc. dakong alas-2 ng hapon nitong Enero a-12 sa Hulo, Brgy. San Roque.
Masusi namang nasagip ng mga tauhan ng CIDG-Bulacan ang tatlong Aspin at ipinadala sa pangangalaga ng Animal Kingdom Foundation Inc.
Una nang nasangkot ang suspek sa bentahan ng aso at karne nito na kalimitang ginagawang pulutan tuwing malamig ang panahon.
Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang naturang suspek para sa kaniyang disposisyon at kaukulang documentaion. —sa panulat ni Hannah Oledan