Kalaboso ang isang lalaking nagbebenta ng pekeng vaccination card sa Quezon City.
Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si Mark Anthony Cervantes, 33 anyos.
Ayon sa QCPD, napansin ng tauhan ng district anti-cyber crime unit na mayroong nagbebenta sa facebook na isang alyas ‘reylelyn dela fuente’ ng vaccination card sa halagang P400.
Dahil dito, agad naglunsad ng operasyon ang pulisya at napagalamang gumagamit ng dummy account ang suspek.
Mahaharap naman si Cervantes sa kasong falsification of public document at paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. – sa panulat ni Mara Valle