Inaresto ng mga ahente ng NBI o National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division ang isang lalaking naaktuhang nagbebenta ng mga wildlife species nang walang permit.
Nakakulong na sa NBI ang suspect na si Rey Achuche sa kasong illegal possession of wildlife.
Nauna dito, nakatanggap ng impormasyon ang NBI hinggil sa pagbebenta ng suspect ng mga wildlife species gamit ang kanyang account na Rey Achuche.
Dahil dito, nagsagawa ng surveillance ang NBI Environmental Crime Division kung saan nalaman na walang permiso ang suspect na isang paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act 2001.
Nakuha sa pag-iingat ng suspect ang iba’t-ibang wildlife species tulad ng scorpion, tarantula, at mga reptile na nakatakdang ideliver sa kanyang mga buyer sa pamamagitan ng forwarding company.
Ayon sa suspect, kinukuha niya ang mga nasabing wildlife sa isang Michael Evangelista.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco