Huli sa isang CCTV footage ang isang lalaking suspek sakay ng isang motorsiklo na naghagis umano ng granada sa parking area ng Enforcement Security Service malapit sa Gate 3 ng Bureau of Customs.
Nabatid na matapos ihagis ang nasabing granada ay agad na nag U-turn ang suspek saka mabilis na tumakas.
Ayon sa mga otoridad, swerteng hindi sumabog ang granadang inihagis ng suspek kung saan, naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na kunektado ito sa tatlong magkakasunod na mga empleyado ng Customs na tinambangan mula noong buwan ng Disyembre.
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero