Napatunayan na tunay na malakas ang ‘lukso ng dugo’ nang malaman ng singkwenta anyos na lalaki na ang ina na matagal na niyang hinahanap ay ang may-ari pala ng bakeshop kung saan siya ay suki.
Kung paano ito nangyari? Alamin.
Nasa edad trenta’y singko anyos na ang isang lalaki mula South Shore, Chicago na si Vamarr Hunter nang kaniyang matuklasan na siya pala ay isang ampon.
Sa tulong ng genetic-genealogist na si Gabriella Vargas ay nagsimula ang paghahanap ni Hunter sa kaniyang nanay.
Ayon sa isang interview, sinabi ni Vargas na mayroong naka-match si Hunter sa malaking genealogy company na Ancestry.com.
Dahil na rin sa tulong ng dna sample ni Hunter ay natagpuan nila ang sisenta’y siyete anyos na babae na si Lenore Lindsey na hinahanap din pala ang anak.
Matapos mag-match ng dalawa, kahit na nasa recovery period pa mula sa kaniyang breast cancer surgery si Lindsay ay agad na tinawagan nito ang numero na binigay ng Ancestry.com.
Hindi naman agad nabosesan ni Lindsey na isa palang regular customer ang kausap niya sa telepono, habang labis na pagtataka naman ang naramdaman ni hunter nang makatanggap ng tawag mula sa ‘Give me some sugah’ kung saan ay suki siya ng lemon bars.
Agad naman daw nakaramdam ng koneksyon si Lindsey sa kausap nang matuklasan kung sino ito, habang labis namang hindi makapaniwala ang anak na si Hunter.
Ayon kay Lindsey, ang rason kung bakit sila nagkahiwalay ng anak ay dahil napilitan siyang ipaampon ito dahil sa mahirap na katayuan sa buhay noong disi-siyete anyos pa lamang siya.
Samantala, nito lang Abril ay binitawan na ni Hunter ang kaniyang trabaho para tulungan ang kaniyang ina sa bakeshop na balak niya namang ipamana sa kaniyang anak sa tamang panahon.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakabibilib na kwento na ito?