Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng isang alahas sa Paris, France na may halagang tumataginting na €2 milyon.
Ang nasabing alahas ay may katumbas na P119 milyon.
Ayon sa imbestigasyon,nagpakilala bilang customer ang kawatan at kunwaring tumitingin-tingin pa sa mga alahas.
Nang ilabas na ng empleyado ng shop ang mga ni-request na alahas ng suspek, dito na bumunot ito bumunot ng baril at tinangay ang mga paninda.
Mabilis namang nasakote ang lalaki dahil stand-up scooter ang ginamit nito sa pagtakas.
Nadakip din ang kasabwat ng nasabing kawatan.—sa panulat ni Rex Espiritu