Arestado ang isang lalaking dahil sa pagnanakaw ng makina ng isang cement mixer sa Pasay City.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, sa tulong ng isang cctv, namataan ng isang gwardya sa isang gusali na tinatangay ng suspek na kinilalang si Fernando Dulce ang isang makina.
Agad na nagradyo ang naturang guwardiya para ipaalam sa iba pang mga sekyu ang ginawa ng suspek.
Dito na nakorner si Dulce sa tabi ng isang building sa nasabing lungsod.
Ayon sa suspek, natukso umano siya dahil sa hirap ng buhay sa gitna ng pandemiya.
Nabatid na dating taga-walis ng kalsada sa Taguig City ang suspek pero natanggal umano ito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Hawak na ngayon ng Pasay City Police Station si Dulce na nahaharap sa kasong qualified theft. —sa panulat ni Angelica Doctolero