Patay sa pagsabog ang lalaking nagtitimpla umano ng kape sa Sitio Binayuyo, Brgy. Calawis sa Antipolo, Rizal.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, kadarating lamang ng biktimang kinilalang si Fernan Fernandez at naghahanda ng kape para sa kanilang almusal kung saan, habang kinukuha nito ang takure na may lamang kumukulong tubig ay bigla na lamang nagkaroon ng pagsabog na nagresulta ng mga sugat sa kanyang katawan.
Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung ano ang sanhi o pinagmulan ng pagsabog.