Timbog ang isang lalaki matapos mahulihan ng tinatayang P7.1-M halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tayud, Liloan, Cebu City.
Kinilala ang suspek na si Rafael ‘’Raprap’’ Carnicel, 21 taong gulang at residente ng Sitio Magsaysay, Brgy. Pasil, Cebu City.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nakumpiska rito ang nasa 1.05 kilos ng shabu na nagkakahalagang P7,140,000.
Batay sa ulat, matagal nang undersurverillance ang suspek. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon